Pilipino Ka
Nang makita ko kapwa Pilipino
Alipin ng mga hindi taga rito
Ako’y nagtanong, bakit kaya ganito?
Kahit saang bansa ay may aliping Pilipino
Daang taon ang nakaraan
Banyaga lamang ang may kakayahan
Subalit ngayon, ito ang ating panahon
Huwag ng pakawalan magandang pagkakataon.
Pilipino ka, malakas ang loob
Kayang tahakin pitong bundok
Ang kaya nila, ay kaya natin
Magtiwala ka, ikaw ay magaling
Hindi ka na paaalipin.
Dang taon ang nakaraan
Banyaga ay ang laging lamang
Subalit ngayon, ito ang ating panahon
Huwag ng pakawalan magandang pagkakataon.
Pilipino ka, malakas ang loob
Kayang tahakin pitong bundok
Ang kaya nila, ay kaya natin
Magtiwala ka, ikaw ay magaling
Hindi ka na paaalipin.
Itaas ang noo
Tumingin sa harap
Tao tayong lahat
Ginawang pantay-pantay
